‘Biik’ the heat! Baboy nagtampisaw sa batya dahil sa init

Aliw na aliw ang mga netizen sa video ng isang biik na nagbababad sa batya na puno ng tubig para malabanan ang init ng panahon.

Aliw na aliw ang mga netizen sa video ng isang biik na nagbababad sa batya na puno ng tubig para malabanan ang init ng panahon.

Ibinahagi ng TikTok user na si @calichabbyandchinny ang video kung saan mapapanood na komportableng nagbababad sa tubig ang alagang biik na si Junior.

Kinagiliwan naman ng netizen ang “beat the heat, ngayong tag-init” entry ni Junior.

Narito ang kanilang reaksyon:

“Hindi siya kasya, need niya bathtub.”

“Maliit yung timba, hindi na siya kasya.”

“Ngayon lang ako na cutan ng ganito sa pig hehehe.”

Samantala, humakot na ng 5.9 milyon ang views ng video, habang nasa mahigit 600K na ang pumuso dito.

PANOORIN:

@calichabbyandchinny Meet Junior🥹😆🐷 #fypage #pig #piggy ♬ original sound – Snow, Winter and Friends