Bigyan ng reward ‘yan! Remulla: Pabuya para sa tipsters, nakahanda para resolbahin ang kaso ng mga nawawalang sabungero

Tiniyak ni Secretary Jesus Crispin Remulla na bibigyan ng pamahalaan ng mga pabuya ang mga makatutulong sa paghanap sa mga nawawalang sabungero o sa pagresolba ng kasong ito.

Binigyang-diin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nakalaan ang pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o lead na makatutulong sa paghanap sa mga nawawalang sabungero o sa pagresolba ng kasong ito.

“We have discussed how to give the rewards we earlier promised to assets who gave information leading to the arrests,” pagtitiyak ni Remulla sa isang press briefing nitong Lunes, Oktubre 2.

Ayon kay Remulla, nakipagpulong na siya sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) hinggil sa magiging reward system ng pamahalaan.

Nauna nang inanunsiyo ng DOJ ang P6 milyong bounty sa mga makatutulong sa pag-aresto sa mga suspek diumano sa nasabing kaso.