Bigas o Pera: 4Ps beneficiaries kinokonsiderang bigyan ng bigas sa halip na pera

“We’re giving them money, and unfortunately, because that is not rice, they’re going to buy rice at the market price, and that put pressure and inflationary in the market because they’re going to compete with the people who have money,” ayon sa opisyal.

Kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigas sa halip na pera ang ibigay sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kasunod ito ng pulong ni Marcos sa mga opisyal ng Department of Agriculture sa Malacañang nitong martes.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na lumutang ang mungkahi sa pulong sa Pangulo, “It was suggested in the meeting that we have the 4Ps. For example, for Department of Social Welfare and Development (DSWD), we told the President if we can convert the 4Ps in terms of money, it should be in rice form, supplied by National Food Authority,”

Sa ganitong paraan, ipinaliwanag ni Navarro na maaalis na ang pasanin sa mga 4Ps recipient dahil ang ayudang pinansyal na nagmumula sa pamahalaan ay pinambibili din nila ng bigas.

“We’re giving them money, and unfortunately, because that is not rice, they’re going to buy rice at the market price, and that put pressure and inflationary in the market because they’re going to compete with the people who have money,” ayon sa opisyal.

Bukas naman aniya ang Pangulo sa mungkahi at sinabing seryosong pag-aaralan kung paano ito ipatutupad.