Bigas kaysa pera para sa 4Ps? Mahirap gawin ‘yan! – DSWD

Aminado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi ganun kadali na bigas na lang ang ibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa halip na cash assistance o ayuda.

Ito’y batay sa mungkahi ng Department of Agriculture (DA) na sa halip na pera ay bigas na lang ang ibigay sa mga parte ng naturang programa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ‘logistically hard’ na bigas ang ibigay sa mga 4Ps beneficiaries.

“Kaya logistically hard, kasi kung iisipin ninyo kalat-kalat ‘yung ating mga benepisyaryo, 4.4 million spread across different areas in the country, sometimes in the most geographically isolated and disadvantaged areas, mga bundok, mga isla,” wika ni Gatchalian.

Patuloy na pinag-aaralan ng DSWD pati ng DA ang naturang suhestiyon.