Bida ang saya! Marcos sinorpresa ng Jollibee

May munting regalo ang Jollibee para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagtangkilik nito sa kanilang fastfood chain.

May munting regalo ang Jollibee para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagtangkilik nito sa kanilang fastfood chain.

Matatandaan na binahagi ni PBBM ang kanilang naging dinner ni First Lady Liza Marcos, kung saan Jollibee ang nakahain sa kanilang hapag kainan.

Dahil diyan, nagpadala ang Jollibee ng sulat at stuffed toy ng kanilang mascot kay Marcos.

“We are so delighted that you chose Jollibee and enjoyed a jolly delicious dinner. We wish to convey our sincere appreciation on behalf of the whole Jollibee organization,” saad sa liham mula sa Jollibee.

Samantala, nagpasalamat naman si PBBM sa pagrepresenta ng Jollibee sa “Filipino warmth and hospitality worldwide.”

“You spread joy to our kababayans wherever they are. We wish you more success, both here at home and around the world!” saad pa ng Pangulo.