Bicolano Aquaman: Lalaki nilangoy mula Sorsogon hanggang Albay

Kakaibang tikas ang ipinamalas ng isang lalaki mula Pio Duran, Albay, matapos nitong languyin ang distansyang 27.63 kilometro sa loob ng siyam na oras.

Kakaibang tikas ang ipinamalas ng isang lalaki mula Pio Duran, Albay, matapos nitong languyin ang distansyang 27.63 kilometro sa loob ng siyam na oras.

Sa kanyang Facebook post, ibinida ng swimmer na si Bert Justine Narciso ang kanyang matagumpay na paglangoy mula Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon hanggang Marigondon, Pio Duran.

Ayon kay Narciso, noong nakaraang taon ay nalangoy niya ang Sta. Cruz hanggang Pio Duran, na may layong 11.8 kilometro. Inabot siya ng tatlong oras at 38 minuto para dito.

Nitong Abril 22, dumaan pa si Narciso sa Sitio Tambac, Maonoon, sa Ligao City, Albay bago magtapos sa Pio Duran. Kaya naman, umabot ng 27.63 kilometro ang kanyang nalangoy.

“Today, April 22, 2024, I broke my own personal record by swimming 27.63km in 9 hours, 11 minutes, and 42 seconds, from Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon, to Punta Almara in Sitio Tambac, Maonon, Ligao City, ending at Pio Duran Fish Port. I couldn’t have accomplished this feat with my own knowledge and strength; it was all because of the LORD, who sustains me in every aspect of my life. GLORY TO YOU, JESUS!” saad ni Narciso sa kanyang post.