Bicol University-Tabaco, nakapagtala ng 98.90% passing rate sa Setyembre 2023 social worker board exam

Labis na ikinalulugod ng pamunuan ng pamantasan na muling makasabay sa listahan ng top performing universities sa buong bansa.

ALBAY – Nakapagtala ng 98.90% na passing percentage ang Bicol University Tabaco Campus (BUTC) sa katatapos pa lamang na Setyembre 2023 Social Worker Licensure Exam (SWLE).

Dalawa sa 90 graduates ng naturang unibersidad na kumuha ng SWLE ngayong buwan at nakapasa ay sina Arnie Taja ng Barangay Balading, Malinao, Albay at Vincent Bonafus na pareho ring nagtapos bilang Cum Laude.

Nitong Lunes, Setyembre 25, 2023 lumabas ang resulta ng licensure examination.

Ayon sa Head ng Social Work Department ng BUTC, labis nilang ikinalulugod na muling makasabay sa listahan ng top performing universities sa buong bansa.

Aniya, talagang sulit ang kanilang pagod na makapag hubog ng mga bagong social worker.

Samantala, Rank 8 naman an Bicol University Daraga Campus sa naturang licensure exam na nakapagtala ng 95.52% na passing rate.