Bicol nakapagtala ng 21 kaso ng pertussis

Nakapag-ulat ang rehiyon ng Bicol ng kabuuang 21 kaso ng pertussis, base sa Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD).

Nakapag-ulat ang rehiyon ng Bicol ng kabuuang 21 kaso ng pertussis, base sa Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD).

Ayon sa datos ng DOH, naitala ang mga kaso sa apat na probinsya sa rehiyon.

Kabilang dito ang Camarines Sur na may siyam na kaso; Albay na anim na kaso; Sorsogon na may limang kaso; at Masbate na may isang kaso.

Ayon sa Barangay Health Worker sa Barangay Sua sa Camaligan na si Marietta Almendral, isa sa mga maaaring dahilan ng paglala ng pag-ubo ay ang tinding init na nararanasan sa bansa.

Samantala, nagpaalala naman ang DOH sa publiko na manatiling nakaantabay sa balita sa mga health center ukol sa iskedyul ng pagbabakuna laban sa pertussis.