Bicol Loco Hot Air Balloon Festival opening, dinumog ng 80K katao!

Matagumpay ang unang araw ng Bicol Loco Festival na inorganisa ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co!

Matagumpay ang unang araw ng Bicol Loco Festival na inorganisa ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co!

Sa first day pa lang ay 80,000 katao na ang nakisaya sa Old Legazpi Airport sa Albay para makita ang makukulay na hot air balloon at malulupit na performances.

Pinaindak nina Sarah Geronimo at Bamboo ang mga Bikolano at turista, kasama pa ang biglaang pag-perform ni Apl.De.Ap ng Black Eyed Peas.

“A heartfelt thank you goes out to the incredible Sarah Geronimo, Bamboo, and the electrifying surprise appearance by Apl.De.Ap. Your performances were truly the highlight of the night, bringing joy and unforgettable moments to all the Bicolanos present,” pasalamat ni Co sa mga OPM icons.

Hindi rin nakalimutan ni Co na bigyang pagkilala si Robi Domingo na host para sa naturang event.

Bukod sa kantahan at sayawan, may ilan ding audience ang nanalo ng dalawang house and lot, motorsiklo, telebisyon, libreng accommodation sa Misibis Bay Resort, at cash prize.