Bibe hair clip aprub sa DepEd

Walang nakikitang problema ang Department of Education (DepEd) sa paglalagay ng mga hair clip na may bibe ng mga estudyante sa loob ng paaralan.

Walang nakikitang problema ang Department of Education (DepEd) sa paglalagay ng mga hair clip na may bibe ng mga estudyante sa loob ng paaralan.

Sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo, sinabi ni DepEd deputy spokesman Francis Bringas na walang masama sa paglalagay ng naturang hair clip dahil abubot lamang ito.

“It’s just a fad. It’s a hair accessory, siguro it won’t hurt the class kung meron extra accessory sa ulo. I don’t think it will bothersome for many,” saad ni Bringas.

Ibinida rin niya na kahit siya ay bumili ng nasabing hair clip sa Binondo kamakailan.

Bukod pa rito, maging ang mga guro ay pwede rin umanong magsuot ng hair clip na may bibe.

“The teacher is the bigger motivator in the classroom. If he or she finds it really appropriate to get the learners to pay attention, so be it,” dagdag pa ni Bringas.

Nauso ang mga hair clip na may bibe kamakailan partikular sa bahagi ng Binondo at Divisoria sa Maynila.