Bias daw! Mga solon inalmahan survey kung saan ligwak ang pro-Cha-cha

Umalma ang ilang mga mambabatas sa bagong Pulse Asia survey kung saan lumabas na 88% ng mga Pilipino ang tutol sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

Umalma ang ilang mga mambabatas sa bagong Pulse Asia survey kung saan lumabas na 88% ng mga Pilipino ang tutol sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, ang mga tanong sa survey ng Pulse Asia ay nagdulot lamang ng kalituhan sa mga respondent.

Ipinunto ng mambabatas na isinama sa survey ang mga katanungan tungkol sa pagbabago ng anyo ng pamahalaan, na hindi naman kasama sa kanilang itinutulak na Charter change o Cha-cha.

“The wording of the questions used by Pulse Asia seemed designed to lead respondents towards a particular viewpoint on Charter amendments,” saad ni Bongalon.

Para naman kay La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V, bias ang survey at nag-pokus ito sa mga tanong na patungkol sa pag-domina ng mga banyaga sa mga likas na yaman ng bansa.

“The survey questions, particularly those addressing contentious issues such as term extension, foreign exploitation of natural resources, and a shift from a presidential to a parliamentary system of government, may have inadvertently skewed responses and fostered opposition to Cha-cha,” wika ni Ortega.

Dahil dito, nanawagan si Bongalon sa mga survey firm at maging sa mga taga-media na palaganapin ang Cha-cha sa paraang malinaw at madali maunawaan ng madla.

“It is incumbent upon all of us to ensure that the public discourse on constitutional reform is transparent, inclusive and well-informed,” dagdag pa niya.

Layunin ng Cha-cha na baguhin lamang ang ilang economic provision ng Konstitusyon.