BI maghihigpit sa pagbibigay visa sa turistang Chinese

Nakatakdang maghigpit ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang pagpapatupad ng visa rules para sa mga turistang Chinese.

Nakatakdang maghigpit ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang pagpapatupad ng visa rules para sa mga turistang Chinese.

Ito ay dahil umano sa mga iligal na gawain ng ilang mga Chinese national na nakakapasok sa Pilipinas.

Ayon sa BI, ang paghihigpit na ito ay makakatulong upang maprotektahan ang seguridad ng bansa.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, bagaman importante ang pagpasok ng mga turista para sa ekonomiya ng bansa, kailangan pa rinumanong protektahan ng gobyerno ang interes ng Pinas.

“We also have to look into the national security issue, the safety of the country. Kung merong mga ilegal na ginagawa, I think it’s also important to have strict measures kung may nakikita na tayo na kakaibang nangyayari or mga activities that are probably inimical to national security or public interest,” pahayag ni Sandoval sa Super Radyo dzBB.

“Nakikita natin na malaking bagay ang karagdagang paghihigpit ng DFA doon sa pag-iisyu ng visa. It’s really an added layer of security in assessing arriving, incoming passengers,” dagdag pa nito.

Karaniwanng sinusuri ng BI ang mga dokumento, kilos, at mga pahayag ng mga pumapasok na dayuhang indibidwal. Kung may makikitang kahina-hinala, sinabi niya na ang mga ito ay pinapalabas ng Pilipinas.