BGC nagpaliwanag: Guard tumulong sa nanakawang Korean athlete

Taliwas sa sinabi ng Korean football player, iginiit ng Bonifacio Global City management sa inilabas na statement nito na tumulong umano ang isa sa mga guard ng BGC upang mahabol ang mga kawatan.

Taliwas sa sinabi ng Korean football player, iginiit ng Bonifacio Global City management sa inilabas na statement nito na tumulong umano ang isa sa mga guard ng BGC upang mahabol ang mga kawatan.

Nitong July 4, naikwento ni Park Yiyoung, football player para sa Kaya Futbol Club-Iloilo, na nadukutan siya ng wallet sa harap ng One Bonifacio High Street sa BGC, Taguig.

BASAHIN:

Korean football player nanakawan sa BGC!

Sinubukang habulin ng player ang grupo ng mga kawatan, at nang maabutan ay itinanggi ng mga salarin ang ginawang krimen.

Ipinaalam nito sa BGC guard ang nangyari ngunit hindi raw nagawang tumulong ng nasabing guard.

“I asked the nearby guard for help to stop them because they had stolen my wallet, but the guard could not provide any help,” patuloy ng football player.

Pinabulaanan naman ito ng BGC sa kanilang inilabas na statement.

“On July 4, 2024, about 6:32 PM, a pickpocketing incident was reported in Bonifacio Global City (BGC). The complainant, a Korean national, received immediate assistance from a BGC security officer during the incident; and was offered additional support to file a police report at the Police Sub-Station inside BGC, which the complainant declined,” saad nito.

Nabawi naman sa huli ni Park Yiyoung ang kanyang wallet kasama ang mga IDs ngunit hindi ang pera sa loob nito.