BFP: Sunog sa Bicol umakyat ng 26%

Dumami ang insidente ng sunog sa Bicol Region sa unang dalawang buwan ng 2024.

Dumami ang insidente ng sunog sa Bicol Region sa unang dalawang buwan ng 2024.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 26 percent ang itinaas ng fire incidente sa Bicol mula January hanggang February 2024 kumpara noong nakaraang taon sa parehong period.

Ayon kay BFP-Bicol spokesperson Senior Inspector Edgar Tañajura Jr, common na nagiging sanhi ng sunog ay tuyong dahon at halaman, nakasinding upos ng sigarilyo. at faulty electrical wiring.

Kaya naman nagpaalala si Tañajura sa publiko na siguraduhing hindi nakasaksak ang mga electrical appliances kapag lalabas ng bahay.

Nakiusap din ang BFP na huwag unahin ang pag-post sa social media tungkol sa sunog, bagkus ay gawing prayoridad na tumawag muna sa awtoridad para maaksyunan ito.

Samantala, siniguro naman ni Tañajura na kumpleto ang equipment ng BFP-Bicol sa pag-aapula ng sunog.

“BFP-Bicol is always ready. We have a variety of equipment like fire trucks, rescue trucks, boom trucks, rubber boats and ambulances prepared to respond to any incidents in the region,” ayon sa tagapagsalita ng BFP-Bicol.