BFAR: Red tide, na-detect sa siyam na lugar sa Visayas, Mindanao

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng mga shellfish matapos ma-detect ang presensya ng red tide sa siyam na lugar.

Siyam na lugar sa bansa ang nag-positibo sa red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Napag-alaman ng BFAR ito matapos isagawa ang regular na testing ng mga shellfish bilang bahagi ng kanilang mandato.

Ayon sa BFAR, base sa mga nakolekta nilang sample, nadiskubre ng kanilang ahensiya na mataas ang antas ng tinatawag na paralytic shellfish poison sa mga huli sa mga sumusunod na lugar:

-coastal waters ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan;
-Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan);
-coastal waters ng Panay sa Capiz;
-coastal waters ng Pilar sa Capiz;
-coastal waters ng President Roxas sa Capiz;
-coastal waters ng Roxas City sa Capiz;
-coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo;
-coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City in Bohol; at
-Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the area shown above are NOT SAFE for human consumption,” giit ng ahensiya.

Dagdag pa ng BFAR na ligtas pa rin kainin ang sariwang isda, pusit at alimango. Siguruhin lamang na nahugasan ito ng maigi, at tanggalin ang mga laman loob bago lutuin.