BFAR chief sinibak sa maanomalyang pagbili ng transmitter

Sinibak ng Office of the Ombudsman si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Demosthenes Escoto dahil sa kaugnayan nito sa maanomalyang pagbili ng transmitter at transciever noong 2018.

Sinibak ng Office of the Ombudsman si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Demosthenes Escoto dahil sa kaugnayan nito sa maanomalyang pagbili ng transmitter at transciever noong 2018.

Hinatulan ng guilty ng Ombudsman si Escoto sa kasong grave misconduct.

Batay sa reklamong inihain ni Atty. James Victoriano, iginawad ni Escoto ang P2.1 bilyon kontrata sa SRT-United Kingdom para sa pagbili ng 5,000 unit ng transceiver. Ang naturang aparato ay ikinakabit sa mga sasakyang pangisda upang makontra ang unregulated fishing sa bansa.

Noong 2016, nagkasundo ang Department of Finance at pamahalaan ng France na susuportahan ng nasabing bansa ang proyekto basta’t galing sa kanila ang kompanyang magsisilbing supplier.

Napunta ang kontrata sa SRT-France, subsidiary ng SRT-UK. Ngunit nang suriin ng French Embassy, hindi eligible sa proyekto ang SRT-France at wala itong pasilidad o naitalang aktibidad sa kanilang bansa.

Nang muling buksan ang public bidding, sa SRT-UK pa rin napunta ang kontrata.

Kaya naman, imbis na pondohan ng France, ang pamahalaan ng Pilipinas na ang sumagot sa gastusin ng proyekto, na inabot na ng P2.1 bilyon mula sa inisyal na pagtataya na P1.7 bilyon.

Ayon sa Ombudsman, guilty si Escoto ng grave misconduct at “conduct prejudicial to the best interest of the service” bilang chairman ng Bids and Awards Committee ng BFAR.

Papalitan siya ni Isidro Velayo Jr.