Bettor nasolo P222M jackpot sa Grand Lotto 6/55!

Instant milyonaryo ang isang mananaya matapos niyang mahulaan ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 nitong Sabado, April 13.

Instant milyonaryo ang isang mananaya matapos niyang mahulaan ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 nitong Sabado, April 13.

Wagi ng P222,993,453.20 ang bettor sa tinayaan niyang numero na 17-26-30-39-14-07.

Wala namang nanalo sa Lotto 6/42 kung saan abot sa P6,656,665 ang premyo.

Ang winning combination sa 6/42 ay 26-42-40-33-13-39.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado. Habang ang Lotto 6/42 naman ay isinasagawa ang draw tuwing Martes, Huwebes at Sabado.