‘Better safe than sorry’: Mag-ingat sa pagbili ng Christmas lights, siguruhing may selyo ng DTI–advocacy group

Paliwanag ng grupo, ang mga nasabing Christmas lights ay maaaring may halong toxic na kemikal o kaya naman ay fire hazard dahil hindi sila dekalidad.

Pinaalalahan ng advocacy group na Ecowaste Coalition ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga Christmas lights para sa Pasko.

Ito ay matapos makabili ang grupo ng mga Christmas lights na walang Philippine Standard (PS) mark o Import Commodity Clearance (ICC) sticker. Mayroon din anilang mga produktong walang label.

Paliwanag ng grupo, ang mga nasabing Christmas lights ay maaaring may halong toxic na kemikal o kaya naman ay fire hazard dahil hindi sila dekalidad.

“Choose Christmas lights with a valid PS mark or ICC sticker for the safety of your family this festive season,” saad ng Ecowaste, na sinabi ring “it is better to be safe than sorry later.”

Dagdag ng Ecowaste, ang kawalan ng mga sticker ay senyales na hindi dumaan ang produkto sa quality control.