Better employment, more jobs ipipinapangako ng gobyerno

Tutugunan ng pamahalaan ang unemployment at underemployment sa bansa sa pamumuno ng Department of Budget and Management, Department of Labor and Employment, at Technical Education and Skills Development

Pinagtutuunan na nang pansin ng pamahalaan ang mga problema sa trabaho na kinakaharap ng mamamayang Pilipino, kabilang na ang unemployment at underemployment.

Pinapangunahan ito ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na siya namang gumagawa ng iba’t ibang hakbangin upang pagpapalakas ng mga proyektong naglalayong pagandahin ang mga oportunidad sa trabaho sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman na naglaan na ito ng P5.76 bilyon sa 2024 para sa job-enhancing initiatives ng DOLE at TESDA.

“[This is] attesting to the current administration’s resolve to reduce poverty, boost infrastructure, reinforce human capital development, and attain upper middle-income status by 2025,” sambit ni Pangandaman sa UP School of Economics Program on Development Economics.

Sa katunayan, may tatlong programa na ang DOLE at TESDA para sa mga nasabing layunin.

Una na rito ang Government Internship Program (GIR), na nagbibigay ng on-the-job training or internship para sa mga indibidwal na nais magtrabaho sa gobyerno.

Pangalawa ay ang Special Program for Employment of Students ng DOLE na magbibigay ng temporary employment sa mga maralitang estudyanteng edad 15–30 anyos upang mabigyan sila ng financial capacity na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ikatlo ay ang JobStart Philippines na magbibigay free training, paid internships, at full-cycle employment facilitation services para mapag-igting ang job security ng mga youthful employees.