Bet ni PBBM? Angara, Pascual nililigawang maging DepEd secretary

Nililigawan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging kalihim ng Department of Education (DepEd) sina Senator Sonny Angara at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Nililigawan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging kalihim ng Department of Education (DepEd) sina Senator Sonny Angara at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Ito ay matapos tanggihan umano ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang naunang alok ni Marcos, sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na maging kalihim ang mambabatas ng nasabing ahensya.

Ayon naman sa inilabas na report ng Politiko, kinokonsidera ng Malacañang sina Angara at Pascual para sa posisyon.

Matatapos na kasi ang termino ni Angara sa pagka-senador ngayong 2025 at hindi na rin Committee chair on finance matapos mapatalsik si dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa Senado.

Parehas na graduate ng University of the Philippines sina Angara, Pascual at Quimbo. Nagtapos ng abogasiya si Angara sa UP habang naging presidente ng nasabing unibersidad si Pascual mula 2011 hanggang 2017.