Best of the best: FSSR, may mahalagang papel sa pagsugpo sa mge rebeldeng Komunista

Nanawagan si Marcos sa FSRR na laging magpamalas ng dedikasyon at katapangan sa kanilang mga misyon.

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kayang gampanang ng First Scout Ranger Regiment (FSRR) ng Philippine Army ang mahalagang papel nito sa pagsugo sa mga rebeldeng komunista at mapanatili ang pangmatagalan na kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, ng public affairs office ng Armed Forces of the Philippines, nanawagan si Marcos sa FSRR na laging magpamalas ng dedikasyon at katapangan sa kanilang mga misyon at suportahan ang amnestiyang binibigay ng gobyerno.

BASAHIN RIN: ‘Stalwart defenders’: Tulong at suporta sa Scout Rangers, kasado na—PBBM

“The amnesty proclamations issued under Executive Order (EO) No. 47 signify significant steps towards national healing and peace-building. As I stand before you today, [I] envision the Philippines where the echoes of gunfire have dissipated, replaced by the laughter and hopeful voices of our children, echoing the promise of progress, of unity, of peace,” sabi ni Marcos sa kaniyang talumpati sa ika-73 anibersaryo ng pagtatag sa FSSR nong Sabado, Nobyembre 25.