Bentahan ng smuggled sibuyas online, pinapasilip sa Kamara

Naghain ng resolution si Agri Party-list Representative Wilbert Lee upang himukin ang Kongreso na imbestigahan ang umano'y bentahan ng smuggled na sibuyas online.

Naghain ng resolution si Agri Party-list Representative Wilbert Lee upang himukin ang Kongreso na imbestigahan ang umano’y bentahan ng smuggled na sibuyas online.

Ayon sa House Resolution No. 1600 na inihain ni Lee, talamak aniya ang bentahan ng smuggled na sibuyas sa iba’t-ibang social media platform.

Umaabot umano ang bentahan ng sibuyas ng P25 bawat kilo, ‘di hamak na mababa sa regular na presyo nito sa mga pamilihan na P60 hanggang P130 para sa local red onions at P90 hanggang P100 para imported na sibuyas.

Sa kabila ng mababang presyo nito, delikado aniya ito para sa mga mamimili dahil hindi nakasisiguro na ligtas itong kainin.

“Filipino consumers are also at risk from food product smuggling, as uncontrolled importation is most likely to blame for plant and animal diseases like African swine fever (ASF) and Cocolisap (coconut scale bug), that have plagued the country and the livelihood of many Filipinos,” saan ni Lee sa kanyang resolusyon.

Dagdag pa niya, nakakaapekto rin ang iligal na aktibidad na ito sa kabuhayan ng mga magsasaka.