Benepisyo muli para sa nakatatanda! Diskwento sa konsumo ng kuryente, tubig ng mga senior citizen, lusot na sa kumite ng Kamara

Nais bigyan ng 15% discount ang mga senior citizens sa konsumo ng tubig at kuryente matapos aprubahan ang panukala ng House Committee on Ways and Means.

Aprubado na sa House Committee on Ways and Means ang planong itaas ng 15 percent ang discount ng mga senior citizen na nagbabayad ng tubig at kuryente.

Ang mga nakatatandang residente na hindi lalagpas sa paggamit ng kuryente sa 100 kilowatt per hour kada buwan at 30 cubic meter sa tubig lamang ang mabibigyan ng diskwento ayon sa panukalang batas, paliwanag ni Senior Citizen Party List Rep. Rodolfo Ordañes.

Ayon kay Ordañes, napagpasyahan rin ng kumite na huwag tanggalin sa mga senior citizen ang sinisingil na value-added tax ng konsumo sa kuryente at tubig dahil malaki ang mawawalang kita sa gobyerno.

“The original proposal in substitute bill consolidating 8 bills was 10% discount, but this was increased to 15% after it was conceded that the proposed value added tax (VAT) exemption would result in about P3.1 billion in revenue losses for the national government, so the VAT exemption was dropped and the discount was raised to 15%,” ani Ordañes.