Ben&Ben eeksena sa concert ni Ed Sheeran

Umaapaw ang kaligayahan ng OPM band na Ben&Ben sa kanilang anunsyo ngayong Martes na magtatanghal sila sa concert ng British singer na si Ed Sheeran sa Marso.

Umaapaw ang kaligayahan ng OPM band na Ben&Ben sa kanilang anunsyo ngayong Martes na magtatanghal sila sa concert ng British singer na si Ed Sheeran sa Marso.

Sa Facebook post ng banda, ibinunyag nila na special guest sila ni Sheeran sa kanyang concert.

“Ma, special guest na kami ni Ed Sheeran sa concert niya,” saad sa post ng Ben&Ben.

Hindi umano makapaniwala ang banda sa layo ng kanilang narating bilang grupo. Noon daw ay nagco-cover lamang sila ng mga awitin ni Sheeran at pino-post ito sa YouTube.

“Parang dati lang, nagco-cover lang kami ng ‘Perfect’ sa YouTube. Never in our wildest dreams did we think this could happen. Surreal,” dagdag ng banda sa kanilang post.

Si Sheeran ay magtatanghal sa Marso 9 sa SMDC Festival Grounds. Kasama rin niya bilang special guest si Calum Scott.