Bela Padilla bigatin gagawing desisyon sa 2025

Palaisipan sa mga followers ni Bela Padilla kung anong pinatutungkulan nito sa 'big decisions' na haharapin ng aktres sa susunod na taon.

Palaisipan sa mga followers ni Bela Padilla kung anong pinatutungkulan nito sa ‘big decisions’ na haharapin ng aktres sa susunod na taon.

Sa Instagram story ni Bela ay sinabi nitong nakadepende ang kanyang desisyon sa magiging takbo ngayong 2024.

“Making big decisions next year. And they will all heavily depend on how this year flows,” ayon kay Bela.

Isa rin sa pinunto ni Bela ay ang kabaitan sa kanya ng mga nakapalibot sa kanya ngayong taon.

“I’ve been so blessed since the year started and I see the kindness of so many people,” saad ni Bela.

Wala namang clue na binigay si Bela kung anong mangyayari sa 2025.