Bed weather! Asahan ang maulan at maulap sa magdamag–PAGASA

Sinabi ng PAGASA na maaaring makaranas pa rin ang bansa nang mga pag-ulan at maulap na kalangitan dahil sa habagat at buntot ng Bagyong Jenny, na nakaalis na sa Philippine Area of Responsibility.

Bagaman paalis na nang Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Jenny, maaaring makaranas pa rin ang bansa nang mga pag-ulan at maulap na kalangitan dahil sa habagat at buntot ng bagyo.

Huling namataan 385 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes ang mata ni Jenny, subalit ang trough nito ay magdadala pa rin ng maulap na kalangitan at pabugso-bugsong pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dagdag pa ng PAGASA, humina na ang epekto ni Jenny sa habagat, subalit asahan pa rin ang mga pag-ulan, lalo sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon pa sa PAGASA, magiging maulap at maulan sa Ilocos Region, Metro Manila, Zambales. Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro, samantalang partly cloudy naman sa ibang bahagi ng bansa.