Bebot sa Camarines Norte, arestado sa P1.5-M shabu

Arestado ang isang babaeng Newly Identified Drug Personality sa Camarines Norte matapos itong makuhanan ng P1.5 milyong halaga ng shabu.

Arestado ang isang babaeng Newly Identified Drug Personality sa Camarines Norte matapos itong makuhanan ng P1.5 milyong halaga ng shabu.

Sa isinagawang buy-bust operation sa Labo, Camarines Norte, nadakip ang suspek na si Zaida Zakila, 51-anyos.

Nakumpiska sa kanya ang 225 gramo ng hinihinalaang shabu, at P160,000 na boodle money.

Base sa mga awtoridad, matagal na umano nilang binabantay ang suspek.

Samantala, mahaharap si Zakila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.