Bebot ninakaw sasakyan ng ka-date, kalaboso!

Nadakip ang isang babae sa Pedro Gil, Sta. Ana matapos nitong ibenta ang ninakaw na SUV sa kanyang naging ka-date.

Nadakip ang isang babae sa Pedro Gil, Sta. Ana matapos nitong ibenta ang ninakaw na SUV sa kanyang naging ka-date.

Ayon sa ulat, nagkakilala ang dalawa sa isang dating app. Nagplano pa umano ang suspek at biktima na magkita sa resort sa Rizal.

Nag-inuman ang dalawa at dito na umano nag-blackout ang suspek. Nang magising umano ito ay wala na ang kanyang sasakyan at ilang dala na gamit.

Matapos ang tatlong araw ay nagulat na lang umano siya nang makitang ibinebenta na online ang kanyang sasakyan.

Kaya naman nakipag-ugnayan ang suspek sa awtoridad kung saan nadakip nga ang suspek.

“Sabi po niya kailangan niya ng pera dahil may pamilya siya, pero hindi niya itinatanggi na nagsusugal siya. Based sa investigation [at] sa aming research, meron siyang same na modus na ginawa sa Manila at Parañaque,” pahayag ni PNP Highway Patrol Group Task Force Limbas Chief Police Colonel Joel Casupanan.