Bebot nagtangkang magpuslit ng droga sa bilangguan, kalaboso!

Nadakip ang isang babaeng bumibisita sa bilangguan matapos itong makitaan ng droga sa pantalon sa Metro Manila District Jail Annex 2 sa Taguig City.

Nadakip ang isang babaeng bumibisita sa bilangguan matapos itong makitaan ng droga sa pantalon sa Metro Manila District Jail Annex 2 sa Taguig City.

Ayon sa pulisya, mas naging mahigpit ang kanilang pagsasagawa ng pat and visual searching sa mga bumibisita sa bilangguan ngayong Semana Santa.

At nang may makapkap sa bulsa ng biktima, agad na gumamit ng gunting ang awtoridad kung saan nakuha ang 18.5 gramo ng hinihinalang shabu.

Ang naturang suspek ay bumibisita umano sa kanyang live in partner na nakulong din dahil sa iligal na droga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Taguig City Substation 10 ang suspek.