Bebot muntik madale! BI naharang human trafficker papuntang Malaysia

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa isang scam para mang-akit ng mga kababaihan na dadalhin sa ibang bansa para sa sex trade.

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa isang scam para mang-akit ng mga kababaihan na dadalhin sa ibang bansa para sa sex trade.

Isiniwalat ng BI na may nahuling babae at kasabwat nitong lalaki habang papasakay ng eroplano papuntang Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia noong March 22.

Ayon sa dalawa, magbabakasyon lang sila sa nasabing destinasyon.

Subalit, lumabas sa pagsisiyasat ng immigration officer na minsan nang lumabas ng bansa ang lalaki na may kasamang ibang babae na hindi na nakabalik ng Pilipinas.

“This seems like another case of the bitbit scheme, in which a frequent traveler would attempt to transport a female victim who will be deceived into working as a sex worker abroad,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Dinala ang biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa kinakailangan nitong tulong, habang ang naarestong trafficker naman ay haharap sa kasong paglabag ng R.A 9208 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Nakaraang taon lang nang may nangyaring kaparehong insidente kung saan ilegal na sumakay ang biktima sa isang barko na tungong Malaysia.

Sinasabing namundok ang biktima para lang makarating sa isang hotel sa Sibu, Malaysia kung saan pinagtrabaho siya bilang sex worker.