Bebot kalaboso sa mahigit P200M shabu

Naaresto ang isang babae matapos makuha ng mga awtoridad ang isang shipment na naglalaman ng halagang higit sa P200 milyon na shabu.

Naaresto ang isang babae matapos makuha ng mga awtoridad ang isang shipment na naglalaman ng halagang higit sa P200 milyon na shabu.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpiska ang mga crystal meth sa Pair-Pags Center sa loob ng airport complex sa Parañaque City.

Sinabi ng ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group na nakapaloob ito sa apat na machinery mufflers kung saan nakalagay ang 32,130 gramo ng iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P218M.

Pinangalanan naman ang suspek na si Christine Tigranes na residente ng Quezon City.

Dahil dito, nahaharap si Tigranes sa kasong paglabag sa Section 4, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.