Bea Alonzo tinangging siya nakipag-break kay Dominic Roque

Klinaro ni Bea Alonzo na hindi siya ang nagdesisyon na tapusin na ang relasyon nila ni Dominic Roque.

Klinaro ni Bea Alonzo na hindi siya ang nagdesisyon na tapusin na ang relasyon nila ni Dominic Roque.

Sa panayam ng GMA News kay Bea, sinabi nito na mali ang pinalalabas ng ilan tungkol sa kanyang buhay.

Nandiyan ang tungkol sa naging narrative na siya ang nakipag-break kay Dominic.

“Actually that’s false. Hindi ako ‘yung nakipag-break,” sey ni Bea.

Ngunit ayaw na idetalye ni Bea kung ano bang totoong nangyari sa hiwalayan nila ni Dominic.

“Let’s leave it in the past. It’s amicable. OK naman kami. I think it will be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it,” aniya pa.

Engaged na ang dalawa nang biglang gulatin ni Bea ang kanilang mga followers noong Pebrero kung saan sinabi nitong taos na ang engagement nila ni Dominic.