Bea Alonzo, may bago nang jowa?

Sa isang showbiz-oriented vlog na "Showbiz Updates" ibinahagi ni Ogie sa pinakabagong episode nitong Huwebes, Hunyo 13 na may nakarating umano sa kaniyang balita tungkol kay Bea Alonzo. Tanong ni Ogie, "How true na may bago nang boyfriend si Bea Alonzo?"

Sa isang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Updates” ibinahagi ni Ogie sa pinakabagong episode nitong Huwebes, Hunyo 13 na may nakarating umano sa kaniyang balita tungkol kay Bea Alonzo. Tanong ni Ogie, “How true na may bago nang boyfriend si Bea Alonzo?”

Gayunpaman, tila hindi agad nakasagot ang mga co-host ni Ogie na sina Mama Loi at Tita Jegs sa naturang tanong. Matatandaan kasi na noong nakaraang Mayo, sinampahan ni Bea ng kasong cyberlibel si Ogie.

Ngunit iginiit ni Ogie na walang libelous sa kanyang pahayag, at idinagdag pa niya na ito’y magandang balita dahil nagpakita umano ito na nakapag-move on na si Bea at mayroon na siyang bagong boyfriend.

Dagdag pa sa naunang tsika ni Ogie Diaz, ayon sa kanya ay non-showbiz ang bagong boyfriend ng Kapuso star na si Bea Alonzo.

“Parang half-Pinoy, half-foreigner,” anang showbiz insider.

“Wala namang libelous and that’s good news. Ibig sabihin, naka-move na si Bea kasi mayro’n na siyang bagong boyfriend, e.” paliwanag ni Ogie.

Ipinagpatuloy ni Ogie na hindi nila nabalitaan ang panliligaw o pagkakarelasyon ni Bea sa naturang bagong boyfriend. Ang nakarating lang daw sa kanya ay mayroon na siyang bago.

Sa tanong kung nasunod ba ni Bea ang 3-month rule, sagot ni Ogie, “I think so. Kasi February, ‘di ba. Tapos, February, March, April, May. E, June na ngayon. Nasunod naman,”

Samantala, sa isang panayam ni Nelson Canlas noong parehong araw, inilinaw ng Kapuso star na hindi siya ang nakipaghiwalay kay Dominic, isang bagay na matagal nang pinag-usapan sa showbiz circle.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag si Bea Alonzo para kumpirmahin ang nasabing usapan.