Bayan ba or pansariling interes ang pinaglalaban? Senado, takot mabuwag kaya ayaw sa Cha-cha — mambabatas

Ang patuloy na kawalang aksiyon ng Senado sa Cha-Cha, ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez , ang nag-udyok sa taumbayan na magsagawa ng People’s Initiative upang masimulan na ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Takot mawalan ng kapangyarihan ang Senado kaya’t hinaharang nito ang Charter Change (Cha-Cha).

Tila iyan ang hinuha ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa gumugulong ang Cha-Cha sa Senad kahit pa ilang beses nang pinadalhan ito ng Kamara ng mga panukalang amyenda sa Saligang Batas.

“We [House of Representatives] have always respected bicameralism. But our proposals and insistent appeals for them to consider Charter reform have invariably fallen on deaf ears until two weeks ago, when my beloved Senate President (Juan Miguel Zubiri) from Mindanao announced their change of heart because they are already feeling the heat from our people,” aniya.

Ang patuloy na kawalang aksiyon ng Senado sa Cha-Cha, ayon kay Rodriguez, ang nag-udyok sa taumbayan na magsagawa ng People’s Initiative upang masimulan na ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

“Senators have put themselves in a problematic situation for which they have only themselves to blame. They have consistently ignored the people’s clamor for Charter reform voiced through their elected district representatives until the people decided to take matters into their own hands,” dagdag pa ni Rodriguez, na chair rin ng House Committee on Constitutional Amendments.

Gayunpaman, umaasa si Rodriguez na matutuloy na ang Cha-Cha “for the sake of our country, our economy and our people.”