Bawi-bawi sa confi funds! Bawal ang pagbigay ng P125-M confi funds sa OVP; Ibalik ang pera sa kaban ng bayan–petisyon

Iginiit ng mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema na walang ibinigay na kapangyarihan ang lehislatura sa paglipat ng pondo, at hindi saklaw ng funding mula sa contingent fund ang confidential funds.

Hiniling sa Korte Suprema na ipasauli sa Office of the Vice President (OVP) ang nakuha nitong P125 milyong confidential funds pabalik sa kaban ng gobyerno.

Sa petition for certiorari na sinumite sa Kataas-taasang Hukuman, iginiit na walang ibinigay na kapangyarihan ang lehislatura sa paglipat ng pondo, at hindi saklaw ng funding mula sa contingent fund ang confidential funds.

“The request for OVP for confidential funds was a general one, and instead of funding the “Good Governance Program” and “Travelling Expenses,” which are existing items under the OVP for the 2022 GAA, the funds were transferred to a non-existent Confidential Fund,” ayon sa petisyon.

Kabilang sa mga pumirma sa petisyon sina dating Commission on Elections (Comelec) commissioners Augusto Lagman at Christian Monsod, dating Finance Undersecretary Maria Cielo Magno, dating Commission on Filipinos Overseas (CFO) chair Imelda Nicolas, at mga abogadong sina Ibarra Gutierrez III, Katrina Monsod, Ray Paolo Santiago, Honorio Poblador III, Vicente Romano III, Rex Drilon, and Miguel Jugo.

Sinabi ng petisyon na tila pinaikutan ang mga reglamento nakasaad para sa paglipat ng pondo.

“The transfer to an item created by executive fiat, which is the Confidential Fund, is nothing more but to circumvent the proper accounting scrutiny required for the use of public funds,” ayon sa petisyon.

“The utilization of a confidential fund under the guise of confidential expenses is to shortchange accountability when the very same expenses are already itemized in respondent OVP’s budget under the GAA (General Appropriations Act) of 2022,” dagdag pa nito.

Kasama sa mga sinampahan ang OVP, Office of the Executive Secretary, at Department of Budget and Management.