Bawasan ang tulis, mamang pulis: Bawal mangbabae ang buong kapulisan—PNP chief

Nagbabala ang PNP na walang lugar ang mga babaerong pulis sa pambansang kapulisan matapos matapos maharap sa kasong concubinage ang isang pulis.

Sabi nga madalas, “Basta pulis, matulis.”

Pero nagbabala si Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Director Brig. Gen. Warren de Leon sa hanay ng PNP na walang lugar ang mga babaerong pulis sa pambansang kapulisan.

Bilang bahagi ng 5 Focus Agenda ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr., pinaalala ni de Leon sa mga miyembro ng PNP hindi kukunsintihin ng liderato ni Acorda ang mga immoral na gawain ng ilang pulis gaya ng pambababae.

Nagbigay babala si de Leon kasunod ng pagdakip ng IMEG kay Master Sgt. John Ledesma Mollenido, sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng Tanza, Caite municipal trial court.

Inireklamo si Mollenido ng concubinage ng kanyang misis. Nahuli siya sa Airobez Hotel Makati noong Sabado matapos na makatanggap ng tip ang IMEG.