Bawasan ang aberya, palaguin ang ekonomiya! Red tape sa bansa, nais bawasan ni PBBM

Tiniyak rin ng pangulo na ginagawa ng lahat ng kaniyang economic team upang masiguradong mayroong “climate that propels economic growth, boosts incentives, promotes ease of doing business and funds high impact infrastructure” ang bansa.

Binigyan na ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang economic team na bawasan na ang red tape sa bansa.

Iyan ang isa sa mga sinabi ng pangulo sa kaniyang talumpati sa JG Summit Petrochemicals Manufacturing Complex ng Gokongwei Group sa Batangas City nitong Biyernes, Enero 19.

Aniya, lubos na pinapabagal at nililimitahan nito ang mga namumuhunan sa bansa, na taliwas naman sa mga inisyatibo ng pamahalaan na makakuha ng mas marami pang mga foreign investors.

BASAHIN RINRed tape pa more? Mga donasyong plastic cards sa LTO, muling naantala dahil sa proseso

Dagdag pa ni Marcos, hindi dapat sobrang taas ang buwis ng mga negosyo sa bansa.

Hindi rin dapat limitahan ang kanilang paglago upang mas maging kaaya-aya sa mga banyagang mamumuhunan na dalin sa Pilipinas ang kanilang mga negosyo.

Tiniyak rin ng pangulo na ginagawa ng lahat ng kaniyang economic team upang masiguradong mayroong “climate that propels economic growth, boosts incentives, promotes ease of doing business and funds high impact infrastructure” ang bansa.

Kaugnay niyan ay nilagdaan ni Marcos nitong Enero ang Ease of Paying Taxes law, na layong gawing simple ang pagbabayad ng buwis at ayusin ang sistema ng Bureau of Internal Revenue.

BASAHIN RINBatas na magpapadali sa pagbayad ng buwis, pirmado na ni PBBM