Bawas trapik! CSC inilutang flexible work arrangements

Iminungkahi ng Civil Service Commission (CSC) sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila na magpatupad ng flexible work arrangements (FWAs) upang makatulong sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Iminungkahi ng Civil Service Commission (CSC) sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila na magpatupad ng flexible work arrangements (FWAs) upang makatulong sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

“In light of the current initiative of the Metropolitan Manila Development Authority to improve the traffic situation in Metro Manila, the Civil Service Commission (CSC) extends its full support to the said initiative by encouraging all government agencies to adopt the Policies on FWAs in the Government as embodied under CSC Memorandum Circular No. 6, s. 2022 dated 6 June 2022,” saad sa anunsyo ng CSC nitong Martes.

Kabilang sa mga klase ng FWAs na nasa memorandum ng CSC ay ang work from home, work from satellite office, work from another fixed place, compressed workweek, skeleton workforce, work shifting, flexitime, at kombinasyon ng mga nabanggit na FWAs.

Ayon sa CSC, ang mga trabaho swak sa FWA ay research, policy formation, data encoding, adjudication or review of cases, budget planning, recording of financial records, computer programming, at iba pang trabaho na ang kasangkapan na kailangan ay computer/laptop at koneksyon sa internet.

Iba’t-ibang FWAs ang ipinatupad ng mga ahensya ng gobyerno noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Nagbalik normal ang pasok ng mga empleyado sa kani-kanilang tanggapan kasabay ng paghupa ng mga COVID-19 cases sa bansa.