Bawal ‘yan! Bajo de Masinloc sinisira ng China – BFAR

Sagad na umano ang pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS), kung saan sinisira na ng naturang bansa ang Bajo de Masinloc upang hindi na roon makapangisda ang mga Pinoy.

Sagad na umano ang pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS), kung saan sinisira na ng naturang bansa ang Bajo de Masinloc upang hindi na roon makapangisda ang mga Pinoy.

Ayon kay Nazario Briguera, chief information officer ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), gumagamit ng cyanide ang China maging ang Vietnam upang wasakin ang likas na yaman ng Bajo de Masinloc.

“According to Philippine fishermen, ‘yung mga Chinese fishermen, if I’m not mistaken, ay gumagamit ng cyanide as well as ‘yung mga Vietnamese fishers,” wika ni Briguera nitong Sabado sa Saturday News Forum sa Quezon City.

“And according to the statement of our Filipino fishers, the Chinese intentionally destroy Bajo de Masinloc to prevent Filipino fishing boats from fishing in the area,” dugtong pa niya.

Wika pa ni Briguera, umabot na sa bilyong piso ang pinsala sa ilang bahagi ng naturang lugar.

“This destruction of coral reefs in Bajo de Masinloc is a clear case of illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing,” dagdag pa ni Briguera. “If it’s verified that indeed the Chinese vessels are using cyanide, this is a clear violation, this is a clear case of IUU fishing.”

Nito lamang Biyernes ay sinalubong ng China ng radio message ang eroplano ng BFAR na nagsagawa ng humanitarian mission sa mga mangingisdang nasa Bajo de Masinloc. Sinagot naman ng ahensya ang radio challenge at matagumpay na naisagawa ang paghahatid ng ayuda sa mga mangingisda.