Bawal toxic. Batuhan ng putik at crab mentality walang puwang sa “Bagong Pilipinas”

“Unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang Bagong Pilipino.”

Walang puwang ang batuhan ng putik at maruming pulitika sa “Bagong Pilipinas.”

Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,Jr sa kanyang YouTube Channel.

Ayon sa Pangulo, sa isang Bagong Pilipinas, hindi dapat pinapayagan ang siraan at hatakan pababa.

Sa halip, dapat aniyang unahin ang kapakanan ng bansa. “Unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino.”

Nanawagan pa ang Pangulo ng sama-samang pagkilos para makamit ang pagbabago sa pag-iisip, pananalita at gawa. “Ito ay imbitasyon sa bawat isa na kabahagi ka sa paghahanda at pagpapaganda ng ating bansa.