Bawal gahaman! Romualdez paiigtingin laban vs agri hoarders, smugglers

Pagtutuunan ng pansin at mas palalakasin ng House of Representatives ang kanilang laban sa mga hoarders, profiteers, at smugglers ng mga produktong agrikultura.

Pagtutuunan ng pansin at mas palalakasin ng House of Representatives ang kanilang laban sa mga hoarders, profiteers, at smugglers ng mga produktong agrikultura.

Ito ang binitawang pangako ni House Speaker Martin Romualdez ngayong Lunes sa ginanap na pagbubukas ng legislative session.

“Tuloy ang laban natin kontra sa mga hoarders, profiteers, at smugglers ng mga agricultural products,” pahayag ni Romualdez.

Ani Romualdez, hindi niya hahayaang magdusa ang mga ordinaryong Pilipino sa mga sakim na nang-aabuso sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

“There will be no letup in the fight against hoarding, profiteering, and smuggling of agricultural products, ensuring fair prices for both farmers and consumers,” dagdag pa nito.

Dahil dito ay hinimok ni Romualdez ang kanyang mga kasamahan na agarang kumilos para maprotektahan ang interes ng mga producer at mamimili.