Bawal daw long hair: Mga trans sa EARIST, inipit sa enrollment

Viral sa social media ang isang video kung saan makikitang umiiyak na ginupitan ang isang transgender na estudyante ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST).

Viral sa social media ang isang video kung saan makikitang umiiyak na ginupitan ang isang transgender na estudyante ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST).

Sa post ng grupong Bahaghari sa X (Twitter), makikitang na emosyonal ang isang parte ng LGBTQIA+ community dahil kinailangang gupitin ang kalahati ng kanyang buhok.

Ito’y dahil hindi umano pinapayagan ang mga trans student na mag-enroll sa second semester kapag mahaba ang kanilang buhok.

Mariin itong tinutulan ng Bahaghari-EARIST, na sinabing 2023 pa umano nagsimula ang naturang polisiya ng naturang paaralan.

“Education must be for all – regardless of a student’s sexual orientation, gender identity and gender expression,” giit ni Bahaghari-EARIST women’s representative JP Brillantes.

Maging si Gabriela Women’s party-list Representative Arlene Brosas ay pumalag din sa ‘discriminatory policies’ ng EARIST.

“It is appalling to witness educational institutions perpetuate discriminatory policies that violate the fundamental rights and dignity of students. Such actions not only harm individuals but contribute to a culture of exclusion and marginalization within a supposedly safe space for the youth,” lahad ni Brosas.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng paaralan na pirmado ni EARIST President Dr. Rogelio Mamaradlo, nakasaad na pinapayagan umano ang kanilang mga estudyante na mag-enroll anuman ang kanilang kasarian.

Pinunto rin ng paaralan na kanilang pinapayagan ang mga mahahaba ang buhok basta’t maayos o nakatali ito.

“All students were, and are allowed to enroll for the Second Semester of School Year 2023-2024, regardles of gender and particularly of how they wear/mage their hair, provided that those with long hair have them properly fixed or tied,” ayon sa statement ng EARIST.