Bawal ang siga! Marcos binuhay ‘no wang-wang’ policy ni PNoy

Inilabas ng Malacañang ngayong Huwebes ang Administrative Order No. 18 kung saan ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay bawal nang gumamit ng sirena o wang-wang sa kanilang mga sasakyan.

Inilabas ng Malacañang ngayong Huwebes ang Administrative Order No. 18 kung saan ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay bawal nang gumamit ng sirena o wang-wang sa kanilang mga sasakyan.

Bukod sa wang-wang, bawal na rin ang mga blinker at iba pang flashing device na inilalagay sa mga sasakyan upang makasingit sa trapiko.

“This Administration is committed to promote the welfare and well-being of the general public by ensuring a safe and more organized road and traffic environment,” saad sa naturang order.

“In this light, all government officials and personnel are hereby reminded that use of sirens, dome lights, blinkers, and other similar devices shall only be under exigent or emergency circumstances or situations or to ensure the expedient and safe passage of emergency responders,” dagdag pa nito.

Hindi naman sakop ng order ang mga emergency vehicle gaya ng ambulansya, truck ng bumbero, at sasakyan ng militar at mga pulis.

Sa panunungkulan ni dating pangulo Noynoy Aquino ay ipinagbawal din ang paglalagay ng wang-wang sa mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno.