Bawal ang kalokohan sa gobyerno! PBBM, sinuspindi si LTFRB chair Guadiz na sangkot sa anomalya

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTR) ang mga alegasyon ukol sa pagkakasangkot sa korapsyon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III.

Sinuspindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III matapos mapabalitang sangkot ang opisyal sa isyu ng korapsyon.

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang suspensyon ni Guadiz, na diumanong naniningil kapalit ng pabor sa ahensya.

“The President does not tolerate any misconduct in his administration and has instructed the immediate investigation of this matter. He strongly condemns dishonesty and duplicity in public service,” ayon sa pahayag ng PCO.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Department of Transportation (DOTR) na nagpapatuloy ang imbestigasyon nito kay Guadiz na inakusahan ng anomalya sa Public Utility Vehicle Modernization Plan.

“We already launched an investigation on the allegations against the LTFRB. While we are already evaluating the alleged irregularities involving [Chairman Guadiz], we also issued a notice to explain against Guadiz for him to shed light on the allegations,” ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Giit ni Bautista, hindi sasantuhin ng kagawaran ang sino mang tauhan o opisyal nito na masasangkot sa korapsyon.

“We do not tolerate any form of corruption in the DOTr and will not hesitate to impose the stiffest sanction if the evidence so warrants,” aniya.