Bato: Quiboloy, respetadong tao

Inihayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang paghanga sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Inihayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang paghanga sa lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Batay kay Dela Rosa, naniniwala umano siyang isang respetadong tao ang Pastor kahit hindi niya ito palaging nakikita.

“Sa pagtingin ko lang sa kanya, ha. Hindi ko naman siya nababantayan 24 hours. Hindi naman ako nakatingin sa kanyan 24 hours pero if you ask my opinion about him, he is highly respected. Ako mismo, humahanga sa kanya,” ani Dela Rosa.

Dagdag pa nito, dahil sa anak ng Diyos si Pastor Quiboloy ay imposibleng gawin ni ang mga paratang sa kanya.

“He is the Son of God. So less expected ko sa kanya na gumawa ng gano’ng offense. Tayo, tao lang tayo, ‘di ba? Nobody’s perfect, ‘no? Tao tayo, pwede tayong magkamali. Andiyan, andiyan ‘yan lahat ng posibilidad habang tayo’y tao ,” saad ng Senador.