Bato pinalaya pulis na suspek sa pagpatay sa beauty queen

Pinalaya ang pangunahing suspek sa pagkawala ng kandidata sa beauty pageant na si Catherine Camilon, ayon kay Senador Ronald "Bato" dela Rosa.

Pinalaya ang pangunahing suspek sa pagkawala ng kandidata sa beauty pageant na si Catherine Camilon, ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Kamakailan lang ay dinakip si dating Police Maj. Allan De Castro dahil sa pagsisinungaling nito ukol sa relasyon nila ni Camilon.

Ayon kay Dela Rosa, nakabakasyon ang Senado dahil sa pagdiriwang ng Semana Santa kung kaya naman ay pinakawalan muna ang suspek.

Ipatatawag na lang umano nila si De Castro kapag nagkaroon na muli ng hearing.

“Well, bakasyon, naka-break ang Senado. So, hindi ko kinakailangan presensya niya. Pagbalik ng Senado, kung magkakaroon pa kami ng hearing, ipapatawag natin ulit siya,” saad ng Senador.

“‘Yun naman for humanitarian reason na rin,” dagdag pa nito.