Bato papayagang ipagpatuloy imbestigasyon sa ‘PDEA leaks’

Bibigyang pagkakataon ni Senate President Francis "Chiz" Escudero si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa "PDEA leaks."

Bibigyang pagkakataon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa “PDEA leaks.”

Kamakailan kasi ay nagpatawag ng pagdinig sa senado si Dela Rosa upang talakayin ang leaked documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kung saan nadawit ang pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Maricel Soriano.

Paliwanag ni Escudero, wala umanong kinalaman ang imbestigasyon kung bakit napalitan si Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang Senate President.

Dahil dito, papayagan umano si Dela Rosa na tapusin ang nasimulang imbestigasyon.

“Kaya nga naging emotional si Sen. Bato, siya raw ang dahilan kung bakit natanggal…sabi ko sa kanya eh di sana ikaw na lang ang aming tinanggal namin bakit si Senate President (Zubiri) pa. Dumami pa ang nasaktan humaba pa sana ikaw na lang, pero hindi po yan ang dahilan,” pahayag ng senador.

“I don’t know Sen. Bato’s decision as chairman, but I have advised him about his options that he can file resolutions while Congress is in recess…but we have no plans to stop him, we have no such intentions,” dagdag pa nito.