Bato naiyak sa pag-resign ni Zubiri bilang Senate President

Naging emosyonal ang ilang senador sa pagbibitiw ni Senador Miguel Zubiri bilang Senate President.

Naging emosyonal ang ilang senador sa pagbibitiw ni Senador Miguel Zubiri bilang Senate President.

Sa plenary session sa Senado nitong Lunes, pormal nang nag-resign si Zubiri bilang lider ng Senado.

Hindi na dinetalye ni Zubiri ang dahilan ng kanyang pagkakaalis bilang Senate President.

Kabilang sa binigyang mensahe ni Zubiri sa kanyang pag-alis sa pwesto ay si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na mapapansing naiyak sa pagbibitiw ng kanyang kaibigan sa Senado.

Sa report ng Politiko, nakasaad na posibleng ang imbestigasyon sa ‘PDEA leaks’ kung saan sinangkot sa iligal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibleng dahilan kaya nadismaya ang ilang senador sa panunungkulan ni Zubiri.

Si Dela Rosa ang nanguna sa Senate hearing tungkol sa naturang issue bilang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.