Bato atras sa drug war hearing ng Kamara

Hindi sisipot si Senador Bato Dela Rosa sa hearing ng Kongreso hinggil sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi sisipot si Senador Bato Dela Rosa sa hearing ng Kongreso hinggil sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bato, hindi siya natatakot na dumalo sa pagdinig sa drug war ngunit kailangan niyang makinig at sumunod sa payo ng pangulo ng mataas na kapulungan na si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.

“Sa akin wala akong problema, I can face them anytime. But still, I have to follow the guidance of the Senate President being a member of the institution, the Senate of the Philippines. Kailangan ko sundan ‘yung guidance niya,” sabi ni Bato.

Ang advice sa kanya ni Chiz? Hindi niya raw kailangang umattend sa naturang hearing

“His answer was, ‘No, you don’t have to attend’ because there are discussions in the Senate that every time a senator’s name pops up in their hearing, we will break up the so-called inter-parliamentary courtesy,” dagdag ni Bato.

Giit pa niya, kung may ebidensyang nagpapatunay na nag-uugnay sa kanya sa mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng war on drugs ay isumite na lang sa korte at doon siya haharap.

Si Bato ang Philippine National Police (PNP) Chief sa gitna ng drug war, kaya’t nabilang sa mga nabanggit na personalidad na gumawa ng “crimes against humanity” sa International Criminal Court (ICC).