Batas na nagpapahalaga sa mental health ng mag-aaral, pasado na sa Senado

Aprubado na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2200 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act ni Senador Sherwin Gatchalian na naglalayong tugunan ang aniya'y pandemic of mental health woes.

Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2200 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na gagawing mandatory ang school-based mental health program.

Layunin ng nasabing batas na siguruhin ang mental health at well-being ng mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sa nasabing panukalang batas, maaatasan ang Department of Education (DepEd) na magpatayo at magpanatili ng isang Care Center sa bawat paaralan. Ang mga Care Centers na ito naman ang tutugon sa mga mental health needs ng mga mag-aaral, gaya nang pagbibigay nang sapat na kaalaman at ang proper response kung may problema.

Ikinalugod naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagkakapasa ng panukalang batas na kanyang iniakda at isinulong sa Kamara upang matugunan ang aniya’y “pandemic of mental health woes” sa bansa.

Susuportahan din ng nasabing panukala ang mga out-of-school children, indigenous na mag-aaral, at mga maralitang mag-aaral.